Mahigit 50, na-food poison umano sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City

Nagsagawa na ng Field Investigation ang Quezon City Health Department sa pangunguna ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division kaugnay ng alleged Food Poisoning sa 54 na indibidwal sa Brgy. Ugong Norte.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCESD, nakaranas ng pananakit ng tyan, pagtatae at pagsusuka matapos na dumalo sa isang pagtitipon ang mga biktima.

Kumuha na sila ng mga specimen sa ilang indibidwal na nakakaranas ng sintomas upang matest at matukoy ang dahilan ng mga sintomas na naranasan .

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Patuloy naman na pinaalalahanan ang publiko na tiyaking malinis at wasto ang mga pagkaing inihahanda upang makaiwas sa anumang food and water-borne illness.