Child-Led Academy Project (CLAP), dadaluhan ng aabot sa 2k na kabataang Bicolano

BNFM Bicol- DADALUHAN ng aabot sa 2,000 na kabataan mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon ang Child-Led Academy Project (CLAP) na ilulunsad ng Educo Philippines kaakibat ang ChildFund Philippines Foundation Inc. na gaganapin sa 7 mga bayan sa rehiyon.

Manggagaling ang mga kabataan sa 115 public at private schools mula sa lalawigan ng Albay, Sorsogon, at Catanduanes, kung saan mabibigyan sila ng mga bagong kakayahang gumawa ng mga inisyatibo at kampanya na itataguyod ang child participation.

Ayon sa panayam kay Child Protection Sector Lead ng Educo Philippines, Vincent Dumadangon, layunin umano ng programang ito na mahubog ang kaalaman ng mga kabataang makikilahok at makabuo ng Young, Empowered, and Small (YES) Teachers na magbabahagi ng mga natutunan sa programa sa iba pang mga kabataan sa Bicol. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from ChildFund Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *