CLAP Project ng EDUCO Philippines, matagumpay na nailunsad sa lungsod ng Legazpi kahapon

LEGAZPI CITY – Matagumpay na nailunsad sa lungsod ng Legazpi, nito lamang Hulyo 10, 2024, ang bagong Child-led Academy Project (CLAP) ng Educo Philippines katuwang ang Childfund Philippines Foundation Inc.

Layunin ng nasabing proyekto na makapagsagawa ng mga pagsasanay sa mga kabataan sa komunidad na malinang ang kakayahang makibahagi, matutukan ang edukasyon, at higit sa lahat, magkaroon ng sapat na kaalaman sa kanilang mga karapatan laban sa pang-aabuso.

Kasabay ng paglunsad ng proyekto ay ang paglagda ng kasunduan sa sa pagitan ng Educo at ChildFund kung saan ito ay inaasahang magbibigay daan para sa mga hakbangin ng kooperatiba na nagsusulong ng adbokasiya na pinangungunahan ng mga kabataaan sa rehiyon ng Bicol.

Ayon sa Educo Philippines, tututukan umano ng nasabing proyekto ang mga kabataan, partikular na ang mga nasa edad labing tatlo (13) hanggang labing walong (18) taong gulang.

Plano ang mga itong turuan kung papaano mapabuti ang kanilang kakayahan sa pag-desisyon, pagiging aktibo sa mga usaping pangkabataan lalo na sa eskwelahan, komunidad at tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *