DOH Bicol, hinihikayat ang mga LGU na makilahok sa implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition

BNFM BICOL- HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) Bicol at ng National Nutrition Council (NNC) na makilahok ang mga Local Government Units (LGU) sa implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) bilang bahagi sa selebrasyon ng National Nutrition Month na may temang “Sa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat.”

Batay sa datos ng 2023 Operation Timbang Plus (e-OPT) sa rehiyon kung saan 76.5% na bata sa Bicol ang naging bahagi nito, 10.5% ng 0-50 buwan ay bansot (stunting), ang waisting naman o kulang sa timbang ayon sa tangkad ay 2.4%, 5.6% naman ang underweight, at 2.73% ay overweight o obese.

Dahil dito ay nabuo ang PPAN na may layuning palawakin pa ang kaalaman ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng mas positibo, sapat, angkop, at malusog na nutisyon sa pamamagitan ng pagsulong nito sa mga probinsya hanggang sa mga barangay sa Bicol. ### Pauline Manga, Intern

Photo Courtesy of Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *