PDLs na nakatanggap ng COVID jabs sa NBP, pumapalo na sa 11,000

Pumalo na sa 11,000 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison in Muntinlupa City ang nakakuha ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) Healthcare Services, ang mga vaccinated ay nasa 38% ng mahigit 28,000 PDLs sa New Bilibid Prison, habang 10 palang ang fully vaccinated.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sinabi ng BuCor na sa kabilang overall records, mahigit 13,000 PDLs sa ibang national government-run jail facilities ang nakatanggap ng first dose, habang 4,000 ang fully vaccinated.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Una nang nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na tutukan ang kondisyon ng PDLs at ang kanilang pangangailangan ng COVID-19 vaccinations, kabilang na ang kapakanan ng mga personnel na nangangasiwa sa mga kulungan at iba pang detention facilities. //MHEL PACIA-TRINIDAD