CHED-Bicol, bukas na sa pagtanggap ng mga online applications para sa kanilang scholarship programs ngayong AY 2021-2022

BICOL –  INIHAYAG ngayon ng Commission on Higher Education-Bicol na bukas sila sa pagtanggap ng mga online applications para sa CHED Scholarship Programms (CSPs) para sa Academic Year 2021-2022.

Ayon sa CHED-Bicol, sa ilalim ng State Scholarship and Private Education Student Financial Assistance (PESFA), ay maaaring magawaran ng full o half scholarship ang isang kwalipikadong estudyante.

Subalit paglilinaw ng komisyon, ang CSPs ay para lamang sa mga incoming first year students na ‘eligible for college’ at may General Weighted Average (GWA) na at least 96% para sa Full Merit Program at 93% hanggang 95% para naman sa Half Merit Program.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Para sa Private Education Student Fund Assistance (PESFA), aabot sa 120,000 ang financial assistance package para sa full merit ang aprubado kada academic year at 60,000 naman sa half merit.

Habang 80,000 ang full merit sa ilalim ng State Scholarship Program (SSP) o para sa mga scholars na enrolled sa mga SUCs/LUC at 60,000 para sa half SSP.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sakop ng financial assistance package ang tuition at iba pang school fees (TOSF), allowance na maaaring direktang ipagkakaloob sa scholars pati na ang book/ connectivity allowance kada semestre.

Inaabisuhan naman ang lahat ng mga interesadong aplikante na ipadala ang kanilang mga application requirements sa bit.ly/csp5appform ng hanggang August 15, 2021.