BICOL – NAGPAPATULOY ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol sa pagtanggap ng aplikasyon ng mga nagnanais na makapag aavbail ng kanilang iniaalok na full scholarship program.
Ayon sa BFAR-Bicol, ang kanilang Fisheries Schlolarship Program ay bukas sa mga kwalipikadong mag aaral na kukuha ng kursong Bachelor of Science in Fisheries.
Bahagi ng programa ang Fisherfolk Children Educational Grant(FCEG) na para sa mga estudyante na rehistradong mangingisda ang magulang o tagapag-alaga; Fisheries Industry Leaders Grant(FILG) para sa mga graduating honor students o estudyante na nagtapos sa top ten ng klase at Indigenous Cultural Communities(ICCs) / Indigenous Peoples(IPs) na para sa mga estudyante na ang mga magulang ay ICCs or IPs na kinikilala ng NCIP.
Bukas ang nasabing programa para sa mga high school graduate o kasulukuyang nasa senior high school; hindi hihigit sa 25-anyos ang edad sa oras ng pagsusulit; general weighted average(GWA) ay hindi babasa sa 80%, at ang mga magulang o taga pag alaga ay residente ng rehiyon sa nakalipas na anim na buwan.
Ang mga aplikante naman para sa FCEG and FILG applicants ay dapat wala pang nakukuhang units sa kolehiyo.
Bukod sa libreng matrikula at school fees, sakop din ng scholarship program ang monthly allowance, book allowance kada semestre, suporta sa thesis, OJT hanggang graduation.
Samantala, maaaring ipadala aang application forms sa mga provincial fisheries offices ng BFAR sa rehiyon ng hanggang September 22, 2021.
Habang naka iskedyu ang qualifying exam sa darating na Nobyembre a-6 ng taong kasalukuyan.