USA basketball team tinalo ng Australia sa exhibition game

Muling nakalasap ng pagkatalo sa ikalawang sunod na pagkakataon ang powerhouse basketball team ng America.

Ito ay matapos talunin ng Australian Team ang USA, 91-83 sa olympic exhibition game.

Unang nakatikim ng upset loss ang USA sa Team Nigeria 90- 87.

Nanguna para sa Aussies sina NBA players Patty Mills na kumamada ng 22 points habang may 17 points naman si Joe Ingles.

Maliban kay Mills at Ingles kabilang din sa line-up ang ilang mga veteran at mga baguhang mga manlalaro ng NBA na sina Aron Baynes, Matthew Dellavedova, Matisse Thybulle at G Dante Exum.

Samantala umiskor naman para sa USA si Damian Lillard ng 22 points habang si Kevin Durant ay nag-ambag ng 17 puntos.