Chavit – muling nanindigang ‘di ‘suhol’ ang alok na P100K sa nanghuli sa kanila

Nagpaliwanag si former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson hinggil sa umano’y P100,000 na reward sa mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers na nanita sa kanyang convoy dahil sa hindi otorisadong pagdaan sa EDSA Busway.

Giit ni Singson – hindi suhol ang kanyang offer na pera.

Ginawa niya lang daw ito upang mahikayat ang mga tauhan ng MMDA na harangin ang mga motoristang nagkakamali sa mga kakalsadahan.

Sinabi pa nito kay MMDA chairman Romando Artes, na nais niyang i-‘congratulate’ ang ang mga enforcers, at bigyan ang mga ito ng pabuya.

Samantala, sinabi naman ni MMDA Special Operations Group Strike Force chief Gabriel Go na nakasalalay na sa nakatataas na management ng ahensya ang pagdedesisyon kung tatanggapin ng mga ito ang reward mula kay Singson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *