Hindi remedyo ang pag-aamyenda sa 1987 Constitution para pasiglahin ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang hinaing ng bagong inilunsad na “Buhay ang EDSA Network Campaign,” na may mga miyembro mula sa iba’t ibang organisasyon, sektor, at civic groups.
Ginawa anila ang grupo upang protektahan at itaguyod ang Konstitusyon, na anila ay may mahahalagang probisyon na nagtataguyod ng mga karapatan ng Pilipino sa malayang pananalita, pagpupulong, at pagpapahayag.
Giit ng “Bantayog ng mga Bayani Foundation” chairperson na si Jose Manuel Diokno, hindi problema ng Constitution ang pag attract ng foreign investors dahil problema aniya ito ng pagkukulang sa batas at kumpiyansa sa sistema ng hustisya.
Kasabay nito, pinaalalahanan din ng grupo ang mga mamamayan sa 1986 EDSA People Power Revolution, na ipagdiriwang ang ika-38 anibersaryo sa Pebrero 25.