Higit 1K MPD personnel, ipapakalat sa Binondo, Maynila

Tinatayang aabot sa 1M dayuhan at local na turista ang inaasahan ng Manila LGU sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Ilan sa mga highlights na dinarayo ng mga turista ay ang fireworks display, float parade at discounts mula sa mga restaurant sa China Town.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon kay City Administrator Bernie Ang, hiling ng lokal na pamahalaan sa Manila Police District ay magpatupad ng full security.

Kaugnay rito, tiniyak naman ng MPD na kanilang ipapakalat ang higit 1K police personnel upang masiguro ang maayos na pagsalubong sa Year of the Dragon.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sinabi ni Willard Chua, Chairman ng Manila Chinatown Development Council na kumpara sa mga nakalipas na pagdiriwang mas malaki ang selebrasyon ngayong taon dahil kasabay na rin ito ng ika-430 na anibersaryo ng Manila China Town.

Aniya, ang China Town sa Binondo ang pinakauna at pinakamalaki sa buong mundo.