Pag-amyendahan sa Konstitusyon, ‘di magdadala ng agarang milagro sa ekonomiya – Senador

Nanindigan si Senate Subcommittee on Constitutional Ammendments and Revision of Codes, Chairperson, Senator Sonny Angara na bagamat hindi maituturing na lone solution ang Charter Change (Cha Cha) sa mga problema ng ekonomiya ay hinihikayat niya pa rin ang publiko na maging bukas sa mga ‘possibilities’ na dala nito.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Maliban pa roon, inamin din niyang ‘di naman agad magkakaroon ng pagbabago o milagro sa ekonomiya kahit ito ay ma-amyendahan.

Dahil alam umano niyang may malaking epekto ang halaga ng pagtatayo ng negosyo, red tape at kwalidad ng imprastruktura sa pagpasok ng mga foreign investor sa bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maalala, sa ilalim ng Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6) ay pinaplanong ma-amyendahan ang magpapaluwag sa restriction sa public services, education at advertising industry.