Cesar Montano, nakapagtapos ng Master’s Degree sa edad na 60

IBINAHAGI ng beteranong aktor na si Cesar Montano sa kaniyang social media ang ilang larawan mula sa graduation ceremony na ginanap noong Hulyo 6.

Natapos ng aktor sa edad na 60 ang kanyang Masters Degree sa Public Safety Administration mula sa Public Safety College, ang nasabing milestone ay kaniyang ibinahagi sa mga followers sa social media sa pamamagitan ng heartwarming snap post.

Sa caption, isinulat niya “ Salute to Everyone! Congratulations sa mga kasama! Master sa Public Safety Administration (MPSA) Graduate.”

Dagdag pa rito, naka-tag sa nasabing post ang ilan sa mga kapwa niyang celebrity,katulad ng kaniyang anak na si Diego Loyzaga, at ang aktres na si Karla Estrada na kanyang ka trabaho sa bagong binubuong teleserye.###JONADEL GALLEGO, Intern