8 bata patay sa pagguho ng lupa sa Pakistan

WALONG bata sa Hilagang Pakistan ang nasawi sa pagguho ng lupa o landslide, bunsod ng malawakang pag-uulan sa lugar.

Ang naturang insidente ay naganap umano sa liblib na distrito ng Shangla noong Huwebes ng gabi at ang mga bata ay pawang nasa edad na 12 hanggang 15.

Ayon kay District Emergency Unit Officer na si Sanaullah Khan, halos labing-lima mga bata ang nagtayo ng cricket pitch malapit sa sand rock nang bumagsak ito pagkatapos ang pagbuhos ng ulan .

Sa tulong ng mga local rescue team at Pakistan army ay natagpuan ang walong bangkay matapos ang ilang oras na paghahanap sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, ang iba pang batang nasagip ay hindi nasaktan habang isa ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa kasalukuyan, naglabas ang Pakistan Disaster Management ng alerto sa kasalukuyang nararanasang pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa bansa. ### HARLIN LUMIBAO, Intern