Central Luzon, nangunguna sa may pinakamaraming iligal na sigarilyo na naibebenta sa pamilihan

Nangunguna ang Central Luzon sa may pinaka maraming nakumpiskang ilegal na sigarilyo na ibinibenta sa mga pamilihan.

Ito ang isiniwalat ni Federation of Philippine Industries Inc. chairman Jesus “Jess” Arranza.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, sa taong 2022, pinaka maraming mga nakumpiskang iligal na sigarilyo sa lalawigan ng Pampanga, Bataan at Nueva Ecija.

Sa Pampanga, nasa 15.7 percent na illicit o unregistered na sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad partikular sa bayan ng Apalit, Arayat, San Luiz, Sta. Rita, San Fernando, Angeles, Guagua, Floridablanca at Porac.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dahil dito ay halos 250 billion umano ang nawawala sa revenue ng Pilipinas kada-taon.