Pagbalik ng provincial at regional meet sa schools competition, hindi pa tiyak – DEPED Bicol

Hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap na sulat ang Department of Education (DEPED)  Bicol mula sa central office tungkol sa pagpapatuloy regional at provincial meet sa mga schools competition.

Ayon kay Mayflor Jumamil, regional information officer ng nasabing departamento, hindi pa tiyak kung ibabalik ngayong taon ang regional at provincial meet sa mga paaralan sa rehiyon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, halos dalawang taon na ring walang palaro sa rehiyon dahil sa naranasang pandemya sa bansa.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sakali man umanong matuloy ngayong taon ang mga palaro ay makakatulong ito sa mga manlalaro upang maibalik ang kanilang endurance at stamina.

Sinabi ng opisyal, may mga paaralan din naman ang nagsasagawa ng palaro sa mga mag-aaral dahil pinahihintulutan naman umano ito ng DEPED.