LGU- Mercedes magpapasaklolo na rin sa dalawang sister City para bigyang ayuda ang mga lubhang naapektuhan ang kabuhayan

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Mayor Alexander Pajarillo na magpapasaklolo na rin ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa kanilang sister Cities para bigyang ayuda ang kanilang constituents na lubhang apektado ang kabuhayan dahil sa masamang lagay ng panahon noong mga nagdaang araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Pajarillo sinabi nito na ipapaalam ng LGU sa sister cities nitong Makati at Valenzuela na nagdeklara na ng state of calamity ang una at nangangailang ng ayuda.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hihingi umano sila ng tulong sa dalawang malaking lungsod at maghihintay ng tugon ng mga ito.

Aminado ang Alkalde na wala pa itong kasiguruhan sa ngayon dahil mayroon ding proseso ang mga nabanggit na LGU.

Ang anumang tulong aniya na hihingiin nila ay mangangailangan din ng approval ng Sangguniang Panlungsod.

Nais din sana umano ng Alkalde na magkaroon na talaga ng Amihanon fund pero hindi raw ito kayang balikatin ng LGU dahil sa matagal na panahon ng amihan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil sa limitadong pondo ay mangangailangan umano ng suporta sa provincial at national government.

Samantala, mayroon nang hakbang ngayon ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa posibilidad na magpasa ng isang ordinansa na magbibigay ng ayuda sa mga mangingisdang maapektuhan ang kabuhayan kapag sumasapit ang panahon ng amihan.