Kinokondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang serye ng mga insidente na kinasasangkutan ng umano’y pang-aabuso ng mga pulis.
Ayon kay Bishop David, ang sunod-sunod na nagdaang mga pangyayari kaugnay ang mga pulis na nang-aabuso ng kanilang otoridad ay maaaring indikasyon na ang problema ay ‘systematic.’

Tinutukoy nito ang road rage incident, kung saan dawit ang isang na-dismiss na pulis na nambatok at nagkasa ng kanyang baril sa isang siklista.
Mensahe nito sa hanay ng kapulisan – hindi sila ang batas, dahil mga law enforcers ang mga ito.
Hindi umano sila pinagkalooban ng mga uniforms at mga armas na mula sa binabayarang tax para pumatay ng tao, kund ‘di upang maging tagapagprotekta at tagapagligtas ng bansang kanilang pinagsisilbihan.