Mga alituntunin para sa pagpapabilis ng election protests, inamyendahan ng Korte Suprema

Inamyendahan ng Supreme Court (SC) ang alituntunin na magbibigay-daan para sa “expeditious, inexpensive and just disposition” ng election protests sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ang mga inamyendahang alituntunin ay nasa AM No. 07-4-15-SC na inaprubahan sa full court session ng SC.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa isang pahayag, sinabi ng Public Information Office ng Korte Suprema na magiging epektibo ang 2023 Amended Rules 15 araw pagkatapos ng publication sa sandaling mailagay ito sa newspaper na may general circulation.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa ng PIO, ang inamyendahang mga alituntunin ay magdudulot ng pagpapabilis, pagbabawas ng gastos, at tamang disposition sa election contests.

Samantala, hindi pa nare-release ng SC ang mga amended rules.