Napapanahon na para ibasura ang Oil Deregulation Act, ito ang iginiit ng isang kongresista na isinusulong ang 10M na pondo para sa Budget ng Bayan para sa Murang Petrolyo (BBMP) na bahagi ng panukalang batas na nagpapawalang bisa sa Republic Act No. 8479.

Sa House Bill No. 8898 na inihain ni House Deputy Speaker at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, iniaatas nito ang pagbasura sa RA. 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 dahil sa hindi epektibong pagpapababa nito ng presyo ng produktong petsrolyo.
Ayon sa panukala, magkakaroon ng BBMP na magiging budget para sa fuel subsidy na magmumula naman sa sobrang ad valorem tax o import duties ng crude oil at finished petroleum products, incremental dividends, receipts mula sa government corporations at savings ng national government.
Layun ng HB, na magkaroon ng lehitimong kontrol ang gobyerno presyo ng petroleum products sa merkado para hindi agad pasanin ng mga mamimili ang pabago-bagong halaga ng langis at ang biglaang pagbaba ng supply ng oil sa global market.