Nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng LGU sa mga mangingisdang apektado ng oil spill.
Kabuoang 5,213 mga mangingisda na ang naabutan ng economic assistance sa lugar kahapon.
Mababatid na noong August 1, nagpatupad ng no-catch at no-sell zone ng mga shellfish sa coastal areas ng Cavite na apektado ng tumagas na langis.
Una na ring nanawagan ng economic relief ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa Cavite dahil patuloy na nahihirapan ang mga mangingisda sa lugar dahil sa epekto ng oil spill.