Binabantayang research vessel ng China sa WPS – nasa Recto Bank na

Namataan na sa Recto Bank ang Chinese research vessel batay sa monitoring kahapon.

Ayon kay SeaLight Director Ray Powell, nakapasok na ng south part ng Recto Bank ang 74-meter-long ship Ke Xue San Hao ng China noong 10:30 ng gabi noong Huwebes.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Una nang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad na ang presensya ng naturang vessel sa katubigan ng Pilipinas ay ‘dubious’ o kaduda-duda, lalo pa’t naobserbahan itong nagna-navigate nang pa-zigzag.

Ang Recto Bank, na tinatawag ding Reed Bank, ay isang underwater reef formation na pinaniniwalaang mayroong malaking reserba ng langis at natural gas, 85 nautical miles mula sa Palawan.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kahit nasa exclusive economic zone ito ng Pilipinas, hindi pa rin nagagamit ng bansa ang mga resources nito dahil sa girian kasama ang Beijing.
#