Cavite City Mayor – umapela ng tulong sa libu-libong residenteng nasunugan

Nananawagan si Cavite City Mayor Denver Chua ng mga donasyon para sa mahigit 900 pamilya na nawalan ng tirahan matapos ang sunog sa dalawang coastal village sa lugar.

Sa isang Facebook post – sianbi ni Chua na higit na nangangailangan ng tulong sa ngayon ang kaniyang mga constituents.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Para sa mga nais magpadala ng tulong, ipagbigay-alam daw ito sa kanilang tanggapan.

Maaari rin itong dalhin sa evacuation mga sites sa Dalahican Elementary School at Sta. Cruz Elementary School.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kung maaalala – nagsimula ang sunog bandang alas-3 ng hapon kahapon.

Nawasak ang mahigit 900 bahay bago ito naapula, at 3,300 indibidwal naman ang naapektuhan ng nasabing sunog. (BRIGADA INTERN JAZTINE CRUZ)