SP Chiz – tiniyak ang seguridad sa pag-aresto kay Guo

Tinitiyak ng Senado ang seguridad ng mga taong inisyuhan ng arrest orders.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, ginagarantiya ng Senado ang seguridad sa sinomang dadakpin para idetina sa Senado, kabilang na si suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Dagdag pa niya, ang detention facilities para kay Guo at iba pang mga indibidwal ay handa na sakaling maaresto na ang mga ito.

Mababatid na noong weekend, ini-release na ang arrest orders laban kay Guo at sa pitong iba pa para sa hindi pagsipot ng mga ito sa imbestigasyon hinggil sa POGO Hub sa Bamban, Tarlac.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Dalawang beses na ring absent si Guo sa imbestigasyon dahil sa mental at physcial conditions.

Sa mga inisyuhan ng naturang kautusan, tanging ang accountant lang ni Guo na si Nancy Jimenez Gamo ang natagpuan.