Nanatili ang Lungsod ng Cauayan sa high epidemic risk classification matapos pumalo sa mahigit 200% na pagtaas ng mga positibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health Regional Office No. 2.
Ayon naman sa huling tala ng Isabela Provincial Office, umabot na sa 178 ang kabuoang bilang ng positibong kaso sa Cauayan City.
Samantala, bumaba naman sa low risk epidemic classification ang lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino maging ang Santiago City at City of Ilagan.
Kaugnay dito, nangangahulugan na ang Average Daily Attact Rate (ADAR) at two week growth rate ng nabanggit na lugar ay bumaba.
Nanatili rin sa moderate risk epidemic classification ang Cagayan at Tuguegarao City.