400 vegetable seedlings, natanggap ng brgy. baringin norte; project kasimbayanan, inilunsad

Natanggap ng mga opisyal at green ladies ng Brgy. Baringin Norte Cauayan City ang nasa 400 vegetable seedlings mula sa Cauayan City Police Station.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing 400 na vegetable seedlings ay kinabibilangan ng mga punla na sili at kamatis na itatanim sa gulayan sa naturang barangay.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ito ay sa ilalim ng Project HEAL o Help Ease Adversities in Life ng Cauayan City Police Station na layong mabigyan ng itatanim na gulay ang bawat barangay na maari nilang mapagkunan ng pagkain ng kanilang nasasakupan at mapatibay ang relasyon ng kapulisan at ng komunidad.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, inilunsad naman kahapon ng ang PRO2 Bayanihan, barangayanihan project kasimbahayan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).

Layunin ng naturang proyekto na tulungan hindi lamang ang hanay ng kapulisan maging ang pamayanan na maging god centered, family-based at tapat sa sebisyo.