Ibinahagi ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa kanyang social media account kung gaano siya natakot sa nangyaring pagnanakaw sa London.

Ayon kay Catriona, binasag ng mga magnanakaw ang kanilang sasakyan at nalimas din ng mga ito ang kanyang gamit kasama ang passport ng beauty queen.
Nakakabahala ang update ng beauty queen, makikita ang isang sasakyan na basag ang salamin.
Samantala, makikita sa recent Instagram post ni Queen Cat na kasama niya sa bakasyon sa United Kingdom at Scotland ang mga magulang na sina Mita Gray at Ian Gray.