Catriona at Sam, nag-hiking

Nag-hike sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang nobyo nito na si Sam Milby sa East African island ng Mauritius.

Sa litrato na naka-post sa Instagram account ng model-beauty queen ay makikita sila ni Milby na nakaupo sa ibabaw ng isang talon habang tinatanaw ang kamangha-manghang forest views.

Makikita rin ang tila matching jackets nila para sa pag-hike malapit sa Sept Cascades sa Mauritius.

Sinabi niya sa caption, “Enchanted by the Seven Cascades of Mauritius. It was raining the entire drive over but as soon as we came to the last part of our hike and stepped out to the head of the waterfall, the sun came out and blessed us,”

Una nang ipinasilip ni Gray ang unang on-screen project nito kasama si Milby sa pamamagitan ng pagpapakita ng cozy moment nito na kasama ang aktor sa eroplano noong Biyernes.

Wala pang ibinubunyag na detalye ang aktres kaugnay sa nasabing proyekto.