Naomi Osaka, tanggal sa world top 10

Natanggal si Naomi Osaka sa top 10 ng world rankings habang patuloy itong nagpapahinga mula sa tennis.

Nangyari ito sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magwagi ito ng US Open title noong 2018.

Nasa ika-12 pwesto ngayon ng WTA ranking ang 23-anyos na Japanese superstar.

Ito na ang pinakamababang pwesto ni Osaka mula nang masungkit nito ang una sa apat nitong Grand Slam titles sa Flushing Meadows kung saan ay nagwagi siya laban kay Seren Williams.

Sa ngayon ay hindi pa nakakapaglaro si Osaka, na dating world number 1, mula nang matalo ito sa third round ng US Open noong nakaraang buwan.