Catanduanes State University, hindi minamadali ang implementasyon ng limited face to face classes

BNFM BICOL—Sinabi ni Catanduanes State University President – Dr. Patrick Alain Azanza na hindi nila minamadali ang pagpapatupad ng limited face to face classes sakanilang unibersidad.

Sa isang panayam ipinaliwanag ng opisyal na hanggang sa ngayon aniya ay patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang implementasyon nito dahil sa ilang mga salik na kailangang ikonsidera.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Azanza, marami pang inaayos na classrooms at gusali sa loob ng paaralan na nasira makaraang manalasa ang bagyong Rolly nitong 2020 kung kaya’t dapat na masiguro muna ang kaayusan ng mga ito at ang kapasidad na mag “hold” ng klase ngunit nasusunod pa rin ang physical distancing.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa nito, tanging 70% pa lang umano ng mga estudyante ng CatSU ang nababakunahan kontra COVID-19 at kailangang maabot muna ang hindi bababa sa 90% na vaccination coverage ng mga mag-aaral upang maipatupad ng face to face classes kung kaya’t posibleng sa buwan pa ng Hunyo o Hulyo ang implementasyon nito.###