NAGA CITY- Hindi pa umano apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura ng Camarines Sur.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Emily Bordado, Spokesperson ng Department of Agriculture o DA Bicol.
Aniya, base sa kanilang pagsisiyasat wala pang naging pagbabago sa presyo ng mga produkto tulad ng mga gulay, maayos pa ang palitan ng produkto sa mga probinsya sa Bicol at nagpapadala rin sa Maynila.
Ang tanging apektado lang ay ang mga galing sa labas ng rehiyon katulad sa Baguio, mabigat para sa mga nag dedeliver o kumukuha ng gulay dahil sa mataas na transportation cost.
Bukod pa riyan isa rin sa mas tinitingnan nila ngayon ay ang patuloy na pagtaas ng fertilizer o abono kung saan apektado ang mga magsasaka lalo na panahon na naman ngayon ng pagtatanim, bago pa man magsimula ang giyera ng Russia-Ukraine dati na itong mataas, at tumataas pa.
Gayunpaman may nakahanda naman ang Gobyerno ng ayuda para sa mga magsasaka bilang interbensyon na mabawasan ang hirap na dinaranas.