CAMARINES NORTE- Naglalaro na ngayon sa P68 hanggang P70 kada litro ang presyo ng gasolina sa Daet, Camarines Norte kasunod ng panibagong oil price hike na ipinatupad kahapon.
Ang diesel naman ay naglalaro mula P57 hanggang P62 ang kada litro sa iba’t- ibang gasoline station.
Sa Shell Mancruz nasa P70. 04 kada litro ang V- Power gasoline, P69. 04 sa Fuel save gasoline, P58. 19 sa Fuel save diesel at P62. 19 sa V- Power diesel.
Sa Caltex, P57. 20 ang diesel, P68. 05 sa silver gasoline at P68. 55 sa platinum
Sa Seaoil P58. 45 sa Exceed diesel, P68. 05 sa Extreme U at P68. 55 sa Extreme 95.
Sa Ptt P57. 20 sa BlueDiesel, P68. 05 sa Blue Gasoline 93+, at P68. 55 sa Blue Gasoline 95+.
Pagdating naman sa Petron Pandan P57. 20 sa diesel, P68. 05 sa Xtra advance, P68. 55 sa XCS at P59. 20 sa Turbo diesel.
Sa katapat nitong Phoenix gasoline station P68. 05 sa Super Unleaded habang P68. 55 naman sa Premium.
Ito na ang ikawalong sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo simula ng pumasok ang 2022.
