Cash grant ng 4Ps sa Sorsogon walang backlog sa humigit kumulang 63k benepisyaryo- DSWD

SORSOGON CITY – Walang naitatalang backlog sa cash grant ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program Division Chief Priscilla Saladaga sa panayam ng Brigada News FM.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon dito, tanging pagkakataon lamang umano na hindi natatanggap on time ng isang benepisyaryo ang kanyang pay out ay kung nagpalit siya ng cash card at sa peryodo ng pay out ay hindi pa niya nakukuha ang replacement nito.

Samantala, kinumpirma ng opisyal na mula sa humigit kumulang 390,000 na mga benepisyaryo ng programa sa buong Bicol humigit kumulang 63,000 dito ang mula sa lalawigan ng Sorsogon at ito umano ay binubuo ng dalawang cluster.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binanggit din ng opisyal na sa nasabing bilang, pinakamarami ang mula sa bayan ng Bulan at Lungsod ng Sorsogon.