Case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol, umabot na sa 4.6%; bilang ng mga nasawi, sumampa na rin sa 2,399

BNFM BICOL—Umabot na sa 4.06% ang case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol region batay sa pinakahuling tala ng Department of Health.

Base sa datus ng ahensya, nasa 2,399 na ang kabuuang bilang ng  fatalities o mga nasawi sa rehiyon dahil sa naturang sakit.

Pinakamarami sa mga ito ang nagmula sa lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 561; sumunod ang Albay na may 493; ang Sorsogon ay may 474; 288 sa Naga City; 246 sa Camarines Norte; may 116 ang Catanduanes; 115 sa Masbate habang pinakamababa ang bilang ng mga nasawi sa  Legazpi City na may 101.

Kaugnay nito, sumampa na rin sa 59,032 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 627 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso habang 56,006 na rin ang bilang ng mga gumaling.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *