Paralegal sa US, isinawalat ang papel sa visa fraud sa mga miyembro ng KOJC ni Quiboloy

Isinawalat ng isang paralegal sa Los Angeles sa Estados Unidos ang kanyang naging papel sa umano’y iligal na iligal na pagkuha ng U.S. residency para sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang plea agreement na inihain ngayon sa United States District Court, inamin ni Maria De Leon, 73, may-ari ng Liberty Legal Document Services, kasabwat siya sa humigit-kumulang walong taon ng pandaraya sa kasal at visa fraud sa mga pinuno ng KOJC.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Bukod sa pag-amin ng guilty, pumayag si De Leon na makipagtulungan sa kaso ng gobyerno.

Kinumpirma din ni De Leon na nagsumite ng mapanlinlang na “Petitions for Alien Relative” at mga kaugnay na papeles para sa mga miyembro ng KOJC sa layuning magkaroon ng paborableng immigration status.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nabatid na si De Leon ay isa sa siyam na nasasakdal na kinasuhan noong Nobyembre 2021 sa isang 42-count superseding case dahil sa labor trafficking scheme na gumamit ng mapanlinlang na pagkuha ng mga visa para dalhin ang mga miyembro ng KOJC sa United States, kung saan pinipilit umano ang mga ito na mag-solicit ng donasyon para sa isang bogus charity.