Caroline Garcia, inangkin ang Cincinnati Open title vs Czech’s Petra Kvitova

Tuluyan na ngang inangkin ng French Tennis Player na si Caroline Garcia ang Cincinnati Open title kahapon matapos ang kanyang panalo kontra kay Czech professional tennis player Petra Kvitova sa score na 6-2, 6-4.

Si Garcia ang kauna-unahang qualifier na nanalo sa isang WTA Tour 1000 tournament.

Matapos lumaban sa qualifying, ginapi ni Garcia ang tatlong top-10 world-ranked na kalaban na sina Maria Sakkari, Aryna Sabalenka at Jessica Pegula, patungo sa finals dahilan upang makatunggali nito ang twice Wimbledon champion na si Kvitova.

Nang magwagi sa unang laban, nagpatuloy si Garcia si Garcia sa second set nang muli niyang sinira si ang diskarte ni Kvitova at humawak ng mabilis na 2-0 lead matapos tawagan si Kvitova ng medical time-out.

Ipinagdiriwang ni Garcia ang pagkapanalo sa panghuling laban kontra kay Kvitova sa Western & Southern Open sa Lindner Family Tennis Center.

Mula nang bumalik mula sa pagka-injured ng kanyang paa noong Mayo, nagawa pa rin ni Garcia na manalo ng tatlong kaganapan sa Warsaw, kung saan tinalo niya ang world number one na si Iga Swiatek sa grass Bad Homburg at hardcourt sa Cincinnati.

Matapos manguna sa WTA Tour sa mga aces at makapagligtas ng dalawang break points, umaasa ang 28 taong-gulang na Frenchwoman na masusungkit nito ang ikatlong titulo ng season. (RSB | ANW PHOTO)