Mga paaralan sa Olongapo tiniyak ang kaligtasan ng mga learners

Tiniyak ng mga paaralan sa Olongapo City ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong nagbalik-eskwela na ang lahat makalipas ang dalawang taon.

Kahapon, kita ang excitement hindi lamang sa mga learners kundi maging sa mga guro at magulang na karamihan ay inihatid pa sa eskwelahan ang mga anak.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Principal Soledad Pozon ng Olongapo City National High School, ang mga estudyante ng kanilang paaralan ay may in-person classes ng mula Lunes hanggang Huwebes habang kapag Byernes ay may module ngayong first grading.

Ang mga magulang naman at mga estudyante sa Olongapo City Elementary School ay dumaan rin sa oryentasyon para maipaunawa sa kanila ang mga kailangang gawin ngayong face-to-face classes.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay OIC Memory Mayo, hati ang schedule ng bawat antas sa pagpasok sa paaralan para hindi masyadong marami ang mga ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO