Senator Bong Go, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Taguig City

Nagpadala ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa 23 kabahayan na naapektuhan ng sunog sa Taguig City na binubuo ng 102 indibidwal.

Sa isang video call, nagpaalala si Go kung gaano kahalaga ang seryosong kaligtasan ng bawat indibidwal, lalo na sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan.

Inulit ng mambabatas ang kanyang apela na patuloy na sumunod sa mga hakbang upang maingatan ang kalusugan ng bawat isa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Binigyang-diin din ni Go na ang disiplina at pakikipagtulungan ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.

Hinimok din ng Senador ang publiko na gawin ang kanilang mga bahagi sa pagtulong sa bansa na bumalik sa normal sa pamamagitan ng paglahok sa ‘national inoculation drive.’

Libre naman raw ang bakuna kaya nakiusap ang senador sa publiko na magpabakuna na dahil ito lang umano ang susi upang manumbalik sa normal ang pamumuhay sa bansa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samntala, binigyan ni Go ng pagkilala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa bawat apektadong pamilya.

Bilang bahagi ng kanyang pangako na tiyaking ligtas ang komunidad sa sunog, pangunahing inakda ni Go ang Republic Act No. 11589, o ang ‘Bureau of Fire Protection Modernization Act.’

Ang nasabing batas ay nagtatakda para sa pagkuha ng mga bagong kagamitan sa sunog, pagkuha ng karagdagang tauhan, at pagbibigay ng espesyal na pagsasanay para sa mga bumbero.
#