Carlos Yulo, nakasungkit muli ng dalawang ginto

Tinapos na ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa 2024 Asian Gymnastic Union Men’s Artistic Gymnastics Championships kagabi.

Bukod kasi sa napalanunan nitong mga medalya sa individual all-around at floor exercises, muli siyang nakasungkit ng ginto matapos manguna sa vault at bars events.

Nauungusan niya ang mga representative ng Uzbekistan, Malaysia, at China.

Ang kanyang nakababatang kapatid naman na si Karl Eldrew ay nakakuha rin ng ginto sa juniors division ng vault event.

Photo from: Gymnastics Association of the Philippines 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *