Dalaga sa Chicago, nakakakuha ng doctoral degree sa edad na 17

Matagumpay na nakapagtapos si Dorothy Jean Tillman II, ang pinakabatang nakakuha ng doctoral degree sa integrated behavioral health sa kanyang unibersidad.

Ipinagdiwang ng dalaga ang kanyang graduation sa pamamagitan ng isang post mula sa kanyang commencement week sa Instagram, na inilarawan nitong “surreal” at “full of reflection and inspiration.”

Nag-homeschool muna si Dorothy sa kanyang unang taon bago siya nagsimula sa kolehiyo nang 10 taong gulang.

Habang nasa middle school ang kanyang mga ka-edad, kumukuha si Dorothy ng mga klase sa College of Lake County sa Northern Illinois para sa kanyang major na psychology.

Natapos niya ang kanyang associate’s degree noong 2016, at nakakuha ng bachelor’s in humanities mula sa Excelsior College sa New York noong 2018.

Photo from: @dorothyjeanius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *