Nash Aguas at Mika dela Cruz, ikinasal na

Kasal na ang mga dating child stars at longtime couple na sina Mika Dela Cruz at Nash Aguas.

Ibinihagi ni Dela Cruz ang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng gown ng fashion designer na si Julianne Syjuco, habang may hawak na bulaklak sa dulo ng altar.

Inilarawan ni Mika ang kanya na ngayong asawa na “God-sent” at kanyang forever.

Naging opisyal ang relasyon nina Dela Cruz at Aguas noong 2018.

Ngunit naging magka-trabaho sila sa kids show na Going Bulilit at iba pang mga palabas noong sila’y mga maliliit pa.

Photo from: Mika dela Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *