Nauwi sa karahasan ang kilos-protesta na idinaos sa Sudan laban sa ginawang pag-agaw sa kapangyarihan ng army nito sa pamamagitan ng kudeta.
Base sa ilang ulat ay umabot na sa pitong katao ang nasawi mula sa karahasan.
Halos natigil naman ang pamumuhay sa capital ng bansa na Kartoum at sa twin city nito na Omdurman na nasa kabilang bahagi ng Nile dahil sa mga nakaharang na sundalo at mga barikada na itinayo ng mga aktibista.
Sinabi sa ilang ulat na bukod sa mga nagsarang tindahan, ay hindi na rin gumagana ang mga telepono doon.
Noong Lunes ay nagdesisyon ang coup leader na si General Abdel Fattah Burhan na buwagin ang civilian rule sa Sudan, kung saan ay inaresto ng militar ang mga political leaders nito at nagdeklara ng state of emergency.
Naniniwala si Burhan na kinailangan nilang gawin ang coup upang maiwasan ang “civil war” na maaring idulot ng political infighting.
