Sinibak na bilang spoekesperson ng PNP-Anti Cybercrime Group si Police Captain Michelle Sabino.
Ito’y matapos ang kontrobersyal na pagsama sa operasyon ng vlogger na si Rendon Labador sa ACG sa isang online lending company sa Makati city.
Sa mensaheng ipinaabot ni PNP-ACG director, Brig. Gen. Sidney Hernia sa mga mamamahayag sa Kampo Crame, sinabi nito na inilipat na niya sa ibang puwesto si Sabino at naghahanap na lamang sila ng papalit na tagapagsalita ng kanilang yunit
Magugunitang uminit ang usapin ng collab nang mag-live stream si Labador sa kasagsagan ng operasyon, bagay na ikinagalit ng pamilya ng ilan sa mga nasangkot dito
Una nang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kailangang maging maingat ang Pulisya sa tuwing magkakasa ng operasyon at may sinusunod namang panuntunan para sa mga miyembro ng media na kasama rito.