COMELEC, tiniyak na ligtas ang data ng mga botanteng gagamit ng precinct finder

Madalali ng malalaman ng mga botante ang kanilang precinct number, saan paaralan at silid boboto gayundin ang voter status matapos bukasan ng Commission on Election (COMELEC) ang kanilang precinct finder.

Una rito sa naging panayam ng Brigada News Fm Manila kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi nito na mahigit isang buwan nilang inintay ang aprobal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sa pangamba ng hacking incident.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Siniguro naman ng Comelec na ligtas ang impormasyon ng kabuuang 67.8 milyon rehistradong botante sa bansa sa pagbubukas ng naturang system kagaya na rin ng pagtitiyak na ginawa ng DICT.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Samantala, bukod sa pagbisita sa precint finder link na ibinahagi ng komisyon sa comelec.gov.ph ay mayroon naman aniyang mga nakaantabay na voter assistance desk sa mga voting center sa Lunes.