‘Cap’ vs overbooking, iminungkahi ng civil aeronotics board

Iminungkahi ng Civil Aeronotics Board o CAB na muling maglagay ng ‘cap’ o limitasyon sa ginagawang overbooking ng mga airlines upang maiwasan na maabuso ito.

Ayon kay kay CAB Executive director Atty. Carmelo Arcilla, na bagama’t pinapayagan ang mga airlines na magsagawa ng overbooking hindi naman ito pwedeng gawin ng palagian at dapat ay case-to-case basis.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inihayag ni Arcilla na dapat ibalik ang 10 percent cap na tinanggal noong 2012 upang magkaroon ng safegurad ang mga pasahero.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sa ngayon tanging ang pagbibigay lamang ng compensation sa mga apektadong pasahero ang countermeasure laban sa overbooking alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights. //LB, edited MHEL PACIA