Karagdang jail time vs Bilibid PDLs: Nag-uumpisa pa lang ang laban – Percy Lapid kin

Wi-nelcome ng kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa ang pag-sentensya ng korte ng dagdag
kulong sa tatlong inmates ng New Bilibid Prison dahil sa pagiging ‘accessory’ sa pamamaslang sa brodkaster.

Sa isang panayam, sinabi ni Mabasa na isa itong welcome development para sa kanilang pamilya.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa kabila niyan, naniniwala siyang nag-uumpisa pa lang ang kaso at mahaba-haba pa itong proseso para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Lapid.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Matatandaan na sinentensiyahan ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 254 ng dalawa hanggang walong taong pagkakakulong sina Aldrin Galicia, lider ng Sputnik Gang; Batang City Jail leader Alvin Labra; at Alfie Peñaredona, lider naman ng Happy Go Lucky Gang. //LGD, edited MHEL PACIA