Lalaking wanted sa kaso ng pagpatay,  huli sa Candelaria, Quezon

Huli ang isang lalaki na umano’y Rank 6 Regional Level Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa report, bandang alas-11:30 ng umaga nang madakip ang akusado na kinilalang si alyas “Ruel”, 38-anyos.

Ang akusado ay may nakabinbing kasong Murder sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Lucena City at walang inirerekomendang piyansa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.