Canoreco nag sorry sa nangyaring malawakang power interruption noong Linggo ng gabi, nangyaring brown out hindi raw sana makaapekto sa kanilang franchise application

CAMARINES NORTE – Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative sa nangyaring malawakang brown out sa lalalawigan noong linggo ng gabi.

Sa pagharap ng ilang opisyal ng Canoreco sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon, ipinaliwanag ni Institutional Services  Division Manager Mary Ann Moreno na  hindi nila kagustuhan ang nangyaring biglaang brown out sa maraming lugar sa lalawigan.

Aniya, ang nangyari ay Automatic Load Dropping (ALD) na wala sa kanilang control.

Nagkaroon aniya ng tinatawag na under frequency at naapektuhan ang Labo-Talisay 69 KV lines.

Ang ALD ay ang proseso ng awtomatiko at sadyang pag-alis ng mga pre-selected load bilang tugon sa abnormal na kondisyon upang mapanatili ang integridad ng system.

Biglaan ang pag alis ng suplay ng kuryente sa isa o ilang lugar dahil sa biglaang pagnipis din ng suplay sa power grid.

Tatlong probinsiya sa Bicol ang naapektuhan ng ALD, bukod sa Camarines Norte, apektado rin ang Camarines Sur at Sorsogon.

Aminado si Moreno na ang mga ganitong pangyayari ay maaaring may malaking impact sa kanilang franchise application. Pero umaapela umano sila sa mga LGU nang suporta para sa kanilang franchise application upang hindi mapunta sa pribado ang Canoreco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *