132 rice retailers sa Camarines Norte na apektado ng E.O. 39 ni Pangulong Marcos nabigyan na ng subsidiya

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 132 rice retailers sa lalawigan ng Camarines Norte na apektado ng Executive Order No 39 o ng price cap ang nabigyan na ng subisidiya.

Ito ang kinumpirma ni DTI Provincial Director Christie Rivera sa naging panayam ng Brigada News FM Daet matapos ang 2nd wave ng pay out sa mga kwalipikadong rice retailers noong nakaraang linggo.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Dalawang beses na umanong nakapag pay out ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa panig naman ng DTI ay patuloy umano ang ginagawa nilang profiling at validation ng mga rice retailers na maaaring makatanggap ng subsidiya mula sa DSWD na nagkakahalaga ng P15, 000 bawat isa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Maliban sa DTI at DSWD, katuwang din ang Department of the Interior and Local Government sa pagay out.

Ang mga susunod namang listahan ng mga rice retailers ay mangagaling na sa mga LGU.