Canoreco humakot ng Parangal sa 2022 Golden Dagitab Awards ng NEA

CAMARINES NORTE- Humakot ng parangal ang Camarines Norte Electric Cooperative sa 2022 Golden Dagitab Awards ng National Electrification Administration (NEA)

Kasabay ito ng pagdiriwang ng 53rd Founding Anniversary at ng 13th National Electrification  Awareness Month noong Huly0 29.

Napanatili ng Canoreco ang triple A rating sa 2021 overall performance assessment  na pinakamataas na parangal na ibinibigay ng NEA sa isang electric cooperative.

Bukod dito natanggap din ng Canoreco ang mga sumusunod na parangal;

2. Compact of Cooperation Award dahil umano sa kabutihang loob nito sa pamamagitan ng pagtulong sa iba pang mga koopetatiba na makabangon muli matapos ang pananalasa ng mga kalamidad.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

3. Single Digit System Loss for the Year makaraang maabot ang Single Digit System Loss kung saan sa pamamagitan nito ay malaki ang naiambag sa improvement ng EC electric distribution efficiency at reduction ng power rate.

4. Special Citation for ECs with Fully Liquidated Subsidy dahil sa maayos na submission ng kumpletong documentary and technical requirements sa liquidation ng government subsidies.

5. Special Citation for ECs with Advanced Payment dahil sa inisyatiba na mag- contribute sa advanced remittance of amortizations sa NEA Lending Program

6. Special Citation for EC Best Practices on Corporate Social Responsibility dahil sa matagumpay na paglulunsad ng livelihood project na nakatulong sa lifeline income of the Member Consumer Owners and Natural Resources Conservation Program.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

7. Special Citation for RE Program Distinction dahil sa walang sawang commitment at pagsisikap na maipalaganap ang “best interest” ng mga konsyumer sa pamamagitan ng Rural Electrification Program.

Nagpapasalamat naman ang Canoreco sa lahat ng mga empleyado, direktor at mga member consumer owners sa pakikipagtulungan upang magampanan natin ang misyon na makapagbigay ng mapagkumpitensya, maaasahan at mahusay na serbisyo ng kuryente na magpapaangat sa antas ng pamumuhay ng mga member consumer owners.

Nagpapasalamat din ang naturang kooperatiba ng kuryente sa NEA sa mga pagkilalang natanggap ng kooperatiba sa kabila ng mga hamon ng COVID-19 pandemic, ng mga natural calamities, ng mga isyung pang-ekonomiya at ng iba pang kahirapan.

Photo: CANORECO Official FB page